UNIVERSITY NEWS

CTE, ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2024

 

Isinagawa ng College of Teacher Education ang Buwan ng Wika 2024 na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” na naganap sa UNP-Auditorium sa ika-2 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng kaguruan ang palatuntunan sa pamumuno ni Dr. Ma. Teresa Susan L. Manzano, Dekana ng CTE.

“Ang programang ito ay isang paalala na ang wika ay buhay, patuloy na umuunlad, at nagsisilbing tulay upang tayo’y magkaisa at magkaintindihan,” wika ni Manzano sa kanyang pambungad na mensahe.

Sa pagdiriwang, naganap ang iba’t ibang pagtatanghal mula sa BSEd Filipino na nag-organisa sa palatuntunan na dinaluhan ng kapwa mag-aaral at mga guro. Napanood ang pag-awit, pagsayaw, spoken word poetry, sabayang pagbigkas, at dulang komedya.

Samantala, pinarangalan din ang mga nagsipagwagi sa ginawang patimpalak na Pagsulat ng Sanaysay. Iginawad kay Bb. Donna Larainne Almazan ang unang gantimpala, Bb. JaJa Gina Fernandez ang ikalawang gantimpala, at Bb. Angel Pacpaco ang ikatlong gantimpala.

Nagbigay ng panapos na mensahe si Dr. Maria Theresa Forneas, ulo ng programa ng BSEd.

Isinulat nina Anastacia B. Joven and Jaja Fernandez. Mula sa The Rabbi ang larawan.

share: 

other news

OFFICE OF THE PRESIDENT

Registrar's Office

Admission Services

University Information Office

Guidance and Counseling Services

UNP Helpdesk

UNP Official SocMed