NEWS

DLH, naglunsad ng palihan sa pagbuo ng worktext sa kursong Rizal

 

Ang Department of Languages and Humanities sa College of Arts and Sciences ay naglunsad ng isang Palihan sa Pagbuo ng Worktext sa Rizal na pinangungunahan ng mga guro sa Filipino na nagtuturo ng Life and Works of Rizal sa departamento sa inisyatibo at pag-organiza ni Prof. Bernadeth F. Canoy.

Ang CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013 na nagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay isang hakbang na layuning tumugon sa mga pagbabago sa edukasyon at globalisasyon. Gayunpaman, ito ay naging kontrobersyal at nagdulot ng maraming reaksyon mula sa mga tagapagtaguyod ng wika at kultura.

Subalit, patuloy pa ring isinusulong sa mga akademikong diskurso hinggil sa tamang balanse ng wika, kultura, at edukasyon sa mas mataas na antas. Kaya, ang tanging inisyatibo nga maaaring gawin para sa augmentasyon ng faculty load ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, ay ang pagbuo ng worktext sa Rizal na wikang Filipino ang gamit sa instruksyon sa lahat ng programang kumukuha ng subject na Rizal.

Ang palihan ay dinaluhan ng mga guro sa departamento na boluntaryong makilahok sa pagbuo ng nasabing worktext na pinangungunahan ni Prof. Bernadeth F. Canoy, bilang lead author, Dr. Evelyn Amano, Prof. Ma. Ines B. Pastor, Prof. Emely Rapacon, Prof. Jocelyn Vitudes, at Prof. Irene Aguilar. Nagkaroon ng paglalahad sa estruktura ng worktext, pagpapaunlad ng nilalaman, pagtukoy sa tamang metodolohiya na gagamitin, hinikayat ng lead author ang malikhaing paggamit ng wika, pagsasanay sa ebalwasyon, at pagtiyak na kaalinsunod sa Silabus ng Rizal sa English.

Nalinang sa bawat guro ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan, at sinisikap ang pagsasanay at pagsasaayos sa pagbuo ng worktext. Sa ilalim ng pamumuno ng ulo ng DLH, Prof. Allen Magdaleno A. De Vera.

other news

OFFICE OF THE PRESIDENT

Registrar's Office

Admission Services

Public Information Office

Guidance and Counseling Services

UNP Helpdesk

UNP Official SocMed