UNIVERSITY NEWS

Buwan ng Wika 2024

 

Ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan sa edukasyon kundi isang mahalagang aspeto na nagbibigay buhay at kahulugan sa proseso ng pagkatuto.

Bilang pagtalima sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang College of Arts and Sciences, sa pangunguna at pagtataguyod ng Department of Languages and Humanities, ay nakikiisa sa pagpapayabong ng wika sa pamamagitan ng pagbabahagi ng makabagong pedagohiya sa Filipino. Ang gawain ay naglalayon ding mapalawak at mapaigting ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Filipino.

Ang gawain ay matagumpay na naidaos sa University Guestel noong Agosto 30, 2024 na dinaluhan ng lahat ng faculty ng departamento sa pamumuno ni Prof. Allen Magdaleno De Vera at sa pagtataguyod na rin ng organizer, si Prof. Bernadeth F. Canoy.

Ang mga naging mga tagapanayam sa nasabing gawain ay sina Dr. Francisco Quelnan, Dr. Evelyn Amano, at Dr. Mae Piano. Dahil dito pinahusay at pinalawak ang kabatiran ng mga DLH faculty sa pamamagitan ng makabagong pedagohiya na makatutulong sa mas mabisang pagtuturo ng wika sa mga mag-aaral.

Nagbibigay-daan din ito upang magamit ang mga bagong teknolohiya at globalisadong perspektibo sa pagtuturo ng wika, na mahalaga sa paghubog ng mga mag-aaral na handa sa mas malawak na konteksto ng mundo.

Bahagi rin ng selebrasyon na may temang “Wikang Filipino: Daluyan ng Sining at Kultura” ang pagpapamalas ng angking galing at talento at pagbibigay kabuluhan ng indibidwalidad at kalayaan ng mga mag-aaral sa Unang Taon at Ikalawang Taon.

Binibigyang tingkad din nito ang wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya. Higit sa lahat ay naglalayong maiangat ang kamalayan ng mga mag-aaral/mamamayang Pilipino ukol sa wika at kulturang popular.

Ang patimpalak ay matagumpay na naidaos ang iba’t ibang patimpalak tulad ng dagliang talumpati, pagbigkas ng tula, solong pag-awit, at poster-slogan na dinaluhan ng mga mag-aaral na kumukuha ng PCom at Hum 100 na ginanap sa University Guestel. At bilang pagkilala ay nabigyan ng sertipiko at medalya ang mga nanalong kalahok.

Isinulat ni Bernadeth Canoy.

share: 

other news

OFFICE OF THE PRESIDENT

Registrar's Office

Admission Services

University Information Office

Guidance and Counseling Services

UNP Helpdesk

UNP Official SocMed